2,655

By

Pakyu ng Indonesian player kinagalit ng volleyball fans

Buwisit ang PH volleyball fans sa kayabangan ng isang player ng Indonesia men’s national volleyball team.

Trending ang hashtag na #Randu dahil sa kagaspangan ng ugali ni Putu Randu.

Bukod sa pagdi-dirty finger nito, nag-neck slitting gesture pa ito sa Pinoy fans na nanood ng laban ng Indonesia at Philippine menโ€™s volleyball team sa 30th South Asian Games nitong Martes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nahablot ng mga Indonesian ang gintong medalya matapos paluin ang 21-25, 25-27, 17-25 win kontra Filipino spikers.

Dinemolis nina Rivan Nurmukli, Doni Haryono, Sigit Ardian at Putu Randu sina Marck Espejo at Bryan Bagunas.

Sa kabila nito, nakuha pang mang-asar si Randu at magpakita ng kawalang respeto sa mga Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?