1,067

Nov 26, 2021 @ 18:18
By

‘Pakwan’ ni Ellen Adarna naging ‘pancakes’

Palakpakan ang ilang follower kay Mrs. Derek Ramsay.

Hindi kasi inurungan ni Ellen Adarna ang isang netizen na body shamer.

Ilang follower at celebrity ang pumuri sa mga larawan ni Ellen para sa isang magazine kung saan blonde ang hair niya.

Pero isang netizen ang pumuna kung bakit daw “tumiklop” ang cleavage ng sexy actress sa mga litrato.

“Why the cleavage has folds, dba nakita ng nag picture yan,” comment ng naturang netizen.

Patok sa ilang fan ang naging tugon dito ni Ellen.

“My boobs from watermelons, turned into pancakes after breastfeeding. Motherhood dear. Enjoy yours coz it wont be as perky as your profile pic forever,” sey ni Ellen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?