46

Oct 9, 2021 @ 19:51
By

Pakulo ng DOH sa mga bakunado pumatok

Lumagpas na umano sa 200,000 katao ang sumali sa raffle ng Department of Health (DOH) para sa mga bakunadong indibidwal kung saan limpak-limpak na premyo ang maaaring mapanalunan.

“Tayo po ay naglaunch nito lang linggong ito at ngayon dalawang daang libo na po ang sumali dito sa ating raffle para sa mga bakunado. Our target ay sana makarating tayo ng kahit isang milyon na sumali dito,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ang raffle ay pinamagatang ‘Bakunado Panalo’ kung saan P3 milyon ang kabuuang halaga ng cash prizes.

Ito ay sponsored ng Philippine Amusement and Gaming Corporation at ng Philippine Disaster Resilience Foundation.

Dito ay 50 winners ang idedeklara ngayong Oktubre, 50 sa Nobyembre at isang grand draw sa Disyembre.

Sa naturang grand draw ay P1 milyon ang maiuuwi na grand prize.

Ang raffle ay inorganisa ng pamahalaan para mahimok ang publiko na magpabakuna.

Narito ang paraan para sumali:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?