1,955

By

Pakitang-tao lang daw: Litrato ng kongresistang kasama ang sinapak na waiter, binatikos

Tinuligsa ng mga netizen ang kumalat na larawan ni Ang Probinsyano Rep. Alfred delos Santos habang nakaakbay sa sinapak niyang waiter na si Christian Kent Alejo.

Ayon sa mga netizen, bakit mukhang ang kongresista lang ang masaya sa litrato at ngiting politiko umano ito at hindi ngiting makatao.

Tapat ba talaga ang paghingi ng tawad ng kongresista, na isa sa mga tanong ng mga netizen.

Magugunitang nag-viral ang CCTV footage kung saan makikita ang pagsapak ni Delos Santos kay Alejo sa isang restaurant sa Legazpi City, Albay.

Narito ang mga komento ng mga netizen sa litrato:

Giovanni Quiñones: “Ningas kugon lng yan,di na nman tlga sinsero ang pag hingi ng despensa,isang hamak na waiter lng vs congressman!ganyan lng yan kasi alam nyang pinag pipistaan na sya ng tao,tama ba ako o mali?”

Shiela Mae Orticio Pili: “Pakitang tao man sana yan, tamiking alin sa marayun na pamilya basta sana mina abuso ning tao, daoat jan disiplinahon para masabutan nya man kin anu namatian kan tinupaw niya gigil mo si ako.”

Mga Taga Agos: “Kami Syempre walang magawa yang biktima kasi sino ba naman siya simpling waiter ang kalababn congressman.”

Jhun Barredo: “Nagbabaitan lang yan kasi nkita sa video pero kung walang.ebidensya.mauulit pa yan sa mga ordinaryong tao gaya natin anu masabi ng party list na probinsyano proud b kayo nyan. Hay naku.”

Mhel Andie B. Garcia: “Ngiting aso ay hindi na sn yan ipinapakita s publiko kahiya hiya matapos manapak magsosorry tapos s camera pa ay ambot.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?