22

Nov 8, 2020 @ 15:01
By

Pakitang-gilas! Mocon inangasan mga hater

Naging masama ang performance ni Javee Mocon sa huli nilang tatlong laro kung saan puro talo ang kinalabasan para sa Rain or Shine.

Ngunit nabaliktad ito nitong Linggo matapos na gibain ang Blackwater Elite, 82-71, at manatiling buhay para sa playoff spot.

Sa nasabing laban, kumamada ng 19 points si Mocon, 11 dito ay mula sa fourth quarter na sinamahan pa ng 13 rebound.

Ayon kay Mocon, ito ay bawi niya para sa mga nagdaang laro kung saan nagging maalat ang kanyang scoring.

“This is for the people who supported me throughout those bad times, and especially para dito sa mga taong nagme-message sa akin ng mga nasty na messages kung bakit ganito, ganiyan,” lahad ni Mocon.

“So ayun, para sa mga haters ‘to at sa mga taong sumu-support sa’kin,” aniya pa.

Dahil din sa panalo ng ROS, laglag nang tuluyan ang Blackwater sa playoff spot sa 2-7 record.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?