72
Pakistani na may pekeng visa, naharang sa NAIA
Mar 14, 2019 @ 14:14
By

Pakistani na may pekeng visa, naharang sa NAIA

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa paggamit ng passport na may pekeng Philippine visa.

Kinilala ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina ang Pakistani na si Salman Khan, 25, na nadakip sa immigration departure area ng NAIA Terminal 1.

Nabatid na si Khan ay isang overstaying alien na nagtangkang umalis sa Pilipinas bago siya pinababa mula sa eroplano.

“The immigration officer became suspicious of his documents and his demeanor, so he was referred for secondary inspection to members of the BI’s Travel Control and Enforcement Unit (TCEU),” saad ni Medina.

Nang siya ay tanungin ng mga immigration officer, nakumpirma ng BI forensic document laboratory na peke ang Philippine visa sa kanyang Pakistani passport.

Dagdag naman ni BI-TCEU Chief Erwin Ortañez, peke rin ang BI departure stamp sa passport ni Khan na nagpapakita na siya raw ay dumating sa Pilipinas noong Nobyembre 18, 2018 sa pamamagitan ng pekeng Philippine visa na naisyu umano noong Oktubre 10, 2018.

“Said arrival, however, was not in our travel database, which meant that he did not really arrive on that date,” dagdag ni Ortañez.

Kalaunan, napag-alaman na ang huling petsa ng pagdating sa bansa ni Khan ay noon pang Hunyo 2015 kaya lumalabas na siya ay overstaying alien.

Dinala na si Khan sa BI detention facility sa Bicutan, Taguig at mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Philippine Immigration Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?