75
mr-trabaho-joel-villanueva

Pakinabang sa TRAIN ng manggagawa

Sharing is caring!

By Joel Villanueva

Sa pagbalangkas ng tax reform bill sa Senado o ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN, nagsulong po tayo ng mga amyenda para tiyaking mapo-protektahan at makikinabang ang mga ordinaryong manggagawa.

Sa ating panukala, ang mga manggagawang kumikita ng P250,000 pababa kada taon ay hindi na po bubuwisan. Kapag natuloy ito, mahigit anim na milyong empleyado ang hindi na kailangang magbayad ng income tax.

Hindi na rin po kakaltasan ng buwis ang mga bonus na nagkakahalaga ng P82,000 pababa at 13 th  month pay. Ang resulta, tataas ang take-home pay ng mga manggagawa.

Bagamat tinatanggal naman ang tax incentive ng mga Regional Operating Headquarters (ROHQs) ng mga Business Process Outsourcing (BPO) companies, pinaglaban at sinugurado po nating mananatili ang 15% preferential tax ng mga kasalukuyang manggagawa sa sektor na ito.

Sa tingin natin, mapapanatili nito ang tiwala ng mga mamumuhunan sa BPO sector lalo na’t mahigit 1.2 milyong mga Pilipino ang nabibigyan nito ng trabaho sa bansa.

Obligasyon po ng mamamayan ang pagbabayad ng buwis subalit tungkulin din naman ng estado na tulungan ang mga karaniwang manggagawa na umangat at makatanggap ng mga benepisyo.

Job Opening sa PhilJobNet

Sa mga naghahanap ng trabaho, narito po ang bilang ng job vacancies mula sa PhilJobNet kung saan makakapag-apply din kayo online. Ilan lamang po ito sa 7,139 job openings ngayong linggo mula sa 2,258 kumpanya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Call Center Agent – 1,774
Office Clerk – 756
Staff Nurse – 457
Service Crew – 426
Production Machine Operator – 297

Job Fair Schedule (December 5-9)

LGU Palayan City Job Fair 2017
Central Business Hub, Brgy. Singalat, Palayan City, Nueva Ecija
December 5

Local and Overseas Job fair at LGU – Gingoog
Paseo Grill, F. Dugenio St, Gingoog, Misamis Oriental
December 6

LGU-PESO Balanga City in partnership with BPSU Main Campus
BPSU Main Campus, Balanga City, Bataan
December 7

Marilao Job Fair
Municipal Atrium, Patubig, Marilao, Bulacan
December 8

Local and Overseas Job Fair
Lamberto RTE Cultural Center, Poblacion, Daanbantayan, Cebu
December 9

(senatorjoelvillanueva@yahoo.com)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?