104

By

Pakikipagdebate hindi batayan ng abilidad sa pagseserbisyo – Lito Lapid

Hindi umano mahilig makipagpagalingan si senatorial candidate Lito Lapid sa mga kalaban niya sa politika sa pamamagitan ng mga debate.

Ayon kay Lapid, may kanya-kanya umano silang pinag-aralan kung saan may alam din naman umano siya na hindi alam ng kanyang mga kalaban.

“Nagdidirek naman ako sa pelikula, eh siguro pagdirekin mo sa pelikula ‘yun di nila alam. Oh di ba? Kanya-kanya lang pinag-aralan ‘yan,” ani Lapid.

Iginiit pa ng dating gobernador ng Pampanga na ang mga debate ay hindi batayan sa abilidad o husay ng isang tao na magserbisyo o mamuno sa mga mamamayan.

“Hindi naman siguro mapapakita sa debates ‘yung kagalingan ng isang taong gustong tumulong para sa ating mamamayan,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: