633

By

Pakikialam ng UN sa PH drug war, binutata ni Lacson

Kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang planong imbestigasyon ng United Nationals Human Rights Council kaugnay ng diumano’y pag-abuso na may kinalaman sa madugong anti-drug war ng administrasyon ni Pangulo Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Lacson na gumagana naman ang criminal justice system sa bansa para kasuhan ang mga abusadong pulis na sangkot sa war on drugs.

“We have a functioning criminal justice system that deals with erring law enforcers. We regularly provide our Human Rights Commission the budget they need to perform their mandate,” ani Lacson.

“Obviously, we can manage without the intervention of the UN Human Rights Council,” dagdag nito.

Noong Huwebes, pinagtibay ng UNHRC ang resolusyon na humihikayat na magsagawa ng imbestigasyon sa human rights situation sa bansa.

Sa deliberasyon ng 41st session sa Geneva, umaabot sa 18 mula sa kabuuang members states ang bumoto pabor sa resolusyon na nauna nang isinumite ng Iceland.

Inaatasan nito si Human Rights Commissioner Michelle Bachelet na maghanda ng komprehesibong ulat ng human rights situation sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?