58
unknown
Mar 22, 2018 @ 17:09
By

Pakialamerang ina ng celeb isinusumpa ng ahensiya

Ay, sino naman kaya itong mahaderang nanay ng isang kilalang celebrity na super umanong mangialam sa mga project ng anak, kahit pa nga co-manager lang ang peg nito?

Matapos nga raw tanggapin ng main manager ang isang bonggang product endorsement project for this celebrity na sinang-ayunan naman ng nanay as co-manager, bigla na lang umanong nag-demand ng kung ano-ano ang nanay during the shoot of the said project.

Simula nga raw sa schedule at make-up, fashion stylist at hair, ang nanay ang nag-demand na dapat si ganito o ganireng team ang kunin at bayaran, dahil sa kuno-kunong propesyonal at kasundo na nila ang mga ito?

Nagduda tuloy ang ahensyang kumuha sa serbisyo ni celebrity na either pag-aari o pinapatungan pa ni nanay ang cost ng mga naturang ‘suppliers’.

Natapos naman daw ang shoot at baka nga ume-ere na sa TV ang ad na nagawa, pero sumusumpa raw ang ahensyang first and last na nilang kukunin ang serbisyo ni celebrity dahil sa pakialamerang nanay nito?

Aguyyyy!!!!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?