136

Nov 13, 2019 @ 20:33

Pakialaman niyo buhay niyo – Rivero sa mga basher

Nagpasalamat si Ricci Rivero sa kanyang mga tagasuporta, habang nagpatama naman sa kanyang mga basher sa pagtatapos ng kanilang season sa pagkatalo kontra UST sa UAAP Season 82 stepladder semifinals nitong Miyerkoles.

Ilang minuto matapos ang 68-65 loss, nag-tweet si Ricci ng mensahe para sa kanyang mga fan at nakasama sa UP Fighting Maroons.

“Thank you for all the memories especially learning.s Like what kobe said, each of you have a special place in my heart too!” ayon sa dating La Salle star.

Kanya ring binanatan ang kanyang mga basher ngayong season.

“Those haters, mind your own business. If yall having fun hating, the God bless your soul,” aniya pa.


Tumapos si Ricci ng 12 points sa nasabing laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?