40
cocaine
May 7, 2018 @ 14:35
By

Pakete ng cocaine, inanod sa Palawan

Nadiskubre sa dalampasigan ng Cuyo, Palawan ang isang pakete ng hinihinalang cocaine.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ini-report sa kanila ng isang residente ang hinggil sa kahina-hinalang pakete na inanod sa tabing-dagat.

Nang siyasatin ng PCG ay napag-alaman na naglalaman ito ng puting pulbos na hinihinalang cocaine.

Nagtitimbang ang naturang hinihinalang iligal na droga ng isang kilo.

Nagpositibo na illegal drugs ang naturang epektos nang ipaamoy ito sa Coast Guard Narcotics working dog.

Hinala ng mga awtoridad, posibleng kasama ang naturang pakete sa naunang plastic container na nadiskubreng naglalaman ng cocaine at napadpad sa Quezon Province kamakailan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?