23

Dec 5, 2020 @ 22:30
By

Pakay talaga bahay ni Kylie Jenner: Nanloob kina DeRozan na-wow mali

Wow mali!

Matapos madakip ang nanloob sa bahay ni NBA star DeMar DeRozan, lumitaw ngayon na hindi ang haybol ng basketbolista ang kanyang tunay na target.

Ayon sa report ng TMZ Sports, nagkamali lang ang magnanakaw dahil hindi ang bahay ni DeRozan ang kanyang puntirya kundi ang American model na si Kylie Jenner.

Magugunitang nitong Nobyembre 19 ay pinasok ng kawatan ang tahanan ni DeRozan sa LA.

Agad kinutuban ang NBA player na may ibang taong nakapasok sa play-area ng kanyang mga anak kaya nang silipin ay nabuking ang panloloob.

Hindi naman pinanghinaan ng loob ang 6-foot-6 guard na habulin ang magnanakaw hanggang sa tuluyan itong makorner ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?