1,309

By

Pakawalan na si De Lima – UN Human Rights Council

Nakiusap ang United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa gobyerno na palabasin na ang nakadetineng si Senadora Leila de Lima.

Sa dokumento na inilabas ng UNHRC working group sa Arbitrary Detention, kanilang isinaad na ang pagdetine kay De Lima ay “in violation of several provisions of the Universal Declaration of Human Rights and the International Covenant on Civil and Political Rights.”

Kanila ring isinaad na ang naging sanhi ng pagkadetine sa senadora ay dahil sa kanyang hayagang pagtutol sa extrajudicial killings at ang paggamit ng kanyang karapatan sa gobyerno.

Base rin sa papeles ng UNHRC, ang pagdetine kay De Lima ay diskriminasyon base sa politikal dahil sa kanyang mga opinyon, maging sa kanyang estado bilang tagapagtanggol sa karapatang pantao at bilang isang babae.

Kaya naman hiling ng working group na remedyuhan ng administrasyon ang pagkulong kay De Lima, at magagawa ito kung papakawalan ang mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?