7

Aug 31, 2020 @ 17:47

Pakain ng DepEd sa 1.7M estudyante, door-to-door na

RP

Hindi mahihinto ang feeding program ng Department of Education (DepEd) para sa abot 1.7 milyong estudyante sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, iibahin na nila ang approach para maipahatid ang mga pagkain sa bawat estudyante ngayong walang pasok sa mga eskuwelahan.

“Kung dati nagluluto ang teacher at mga magulang, tapos ang mga bata habang nasa eskuwelahan ay kumakain, ngayon, ito ay ide-deliver sa bahay,” ayon kay Sevilla.

“Depende sa public health situation ng ating mga eskuwelahan. So kung ano ang compliant sa minimum health standard,” aniya pa.

Ito’y kahit pa nabawasan ng abot sa P500M ang pondo para sa feeding program ng DepEd, lahad ni Sevilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?