130

Feb 17, 2019 @ 8:08
By

‘Pak ganern’ ni Kelsey Merritt inulan ng komento

Marami ang natuwa sa paggi-gay lingo ni Filipino-American Kelsey Merritt.

Sa kanyang Twitter nag-post si Merritt ng clip habang nagpi-pictorial.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Pak ganern ? charot!” na naka-good vibes sa kanyang followers.

Positibo ang reaksiyon dito ng kanyang followers.

Si Merritt ang unang Pinay na rumampa sa Victoria’s Secret fashion show noong nakaraang Disyembre 2018 sa New York.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?