68

May 16, 2020 @ 15:37
By

Pahirap sa mga call center agent! Tilaok ng manok sa ‘Pinas, umabot sa ibang bansa

Nagkaroon ng spotlight ang mga manok ng Pilipinas dahil sa work from home setup ng ilang call center company.

Sa Wall Street Journal, ibinalita ang nararanasan ng ilang banyaga na nakakarinig ng tilaok ng manok sa kanilang mga pagtawag.

‘Yan ngayon ang nararanasan ng ilang mga call center agent kapag sa bahay nagtatrabaho.

Matatandaan na noong March matapos ipatupad ang enhanced community quarantine ay isang video ang nag-viral kung saan maririnig ang tilaok ng manok habang may kausap na foreigner ang isang call center agent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?