105
Pahinga na! 'PacBoy' Jimuel pinatitigil na si Manny
Jul 22, 2019 @ 16:19
By

Pahinga na! ‘PacBoy’ Jimuel pinatitigil na si Manny

Gusto ng panganay na anak ni WBA 147-pound champion Manny Pacquiao na si Jimuel na tumigil na ito sa pagbo-boksing kasunod ng 12-round split decision win ng ‘Pambansang Kamao’ kontra Keith Thurman Sabado (Linggo sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“For me he can actually stop na. I mean he’s 40 and he has nothing to prove. He’s already a legend in boxing. But I’ll support him in whatever he does, whatever his choice is,” saad ni Jimuel sa GMA’s Unang Balita.

Nagkomento rin si Jimuel, na sumasalang na rin sa boxing, sa naging performance ng kanyang ama.

“This was parang flashback doon sa kanyang prime years kasi the way he fought Thurman and the pace was like, he was like a young Manny Pacquiao,” dagdag niya.

“Na-inspire ako. Parang exciting. Ganito pala ‘yung atmosphere, ‘yung feeling to be nasa ganitong fight.”

Matatandaan na sumalang si Jimuel sa kanyang unang amateur fight noong Abril kung saan wagi ito via knockout kay Miguel Egan. (Janiel Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?