136

Oct 25, 2017 @ 16:26

Pahinante, durog ang bungo sa gumuhong pader

Agad nasawi ang isang 23-anyos na pahinante ng traktora matapos madurog ang ulo nito nang mabagsakan ng malalaking tipak ng bato sa kanyang ulo sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Sinubukan pang maisugod sa Tondo Medical Center ang biktimang si Leonard Marquez, ng Vitas, Tondo, Maynila ngunit hindi na rin pinalad na mabuhay.

Sa ulat ng Navotas City Police, ganap umanong alas-10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng San Rafael St., Barangay San Rafael ng nasabing lungsod, kasalukuyan umano noong ipinaparada ng isa pang driver ng tractor head na may plakang CMW 885 na si Deram Taub, 32-anyos, ng nasabi ring lugar, ang nasabing sasakyan nang aksidenteng mawalan ito ng kontrol at dumiretso ng takbo at sumalpok sa pader.

Sa lakas ng impact ay nawasak ang pader at gumuho ito na sakto namang naroroon ang biktima na nabagsakan sa ulo ng malalaking tipak ng bato.

Hindi naman tumakas at kusang nagtungo sa himpilan ng pulisya si Taub na ngayon ay nasa kustodiya na ng Navotas City detention cell at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?