108

Aug 14, 2018 @ 15:44
By

Pahayag tungkol sa P6.8B shabu, ipinababawi sa PDEA

Hinimok ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing Jr. ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umaming nagkamali sa pahayag na merong P6.8B na halaga ng shabu na naipuslit sa Pilipinas.

Sa pagdinig ng House dangerous drugs committee, iginiit ni Suansing na dapat maitama ang aniya’y misinformation tungkol sa umano’y 1,000 kilo ng smuggled na shabu na sinasabing nakakalat ngayon sa merkado.

“For the sake of, to correct the misinformation of director Lasala, I think it’s only fair for the Bureau of Customs (BOC) that PDEA should issue recantation of the previous news article, na sasabihin lang diyan, mali pala.. wala naman palang droga na nakita sa GMA. Siguro sa isang press release sabihin niyo ‘yan na negative,” ani Suansing.

Sinabi ito ng kongresista kasunod ng pahayag ni Customs commissioner Isidro Lapeña na nag-negatibo sa swab testing ang

4 na magnetic lifters.

Wala ng laman ang magnetic lifters nang matagpuan ng PDEA, BOC, at ng Philippine National Police sa warehouse sa Cavite.

Pero pinanindigan ni Atty. Ruel Lasala, director for operations ng PDEA na naglalaman ng shabu ang magnetic lifters base sa mga sirkumstansya.

“Ang sinasabi namin, Sir, na sa lahat ng circumstantial, na situation, evidence na nakalap namin, ang laman noong metallic lifter na ‘yon ay droga, Sir. Siguro talagang namomropblema tayo rito dahil ‘di katulad ng ibang mga seizure na nariyan na talaga ‘yong droga, ‘yong body of the crime. But we are saying na ‘yong context noon ay droga,” ayon kay Lasala. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?