209
oscar-albayalde
Jun 25, 2018 @ 20:27
By

Pahayag ng UNHRC ukol sa human rights, binara ni Albayalde

Hindi nagustuhan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Albayalde ang naging pahayag ng 38 na bansa na miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) kaugnay sa umano’y human rights violations sa bansa.

Sa pahayag ng 38 bansa na miyembro ng UNHRC, hinimok nilang makipagtulungan ang Pilipinas sa pagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa human rights situations sa bansa.

Pero nanindigan si Albayalde na walang natatanggap na reklamong paglabag sa karapatang pantao ang PNP kaugnay sa war on drugs maging sa pagpapatupad ng mga city ordinance.

Kaya hamon muli ni Albayalde sa bumubuo ng UN human rihts council na magtungo sa bansa upang makita ang tunay na kondisyon dito at hindi kinukuha lamang ang impormasyon mula sa bali-balita.

Sinabi pa ni Albayalde na maging partikular sana ang mga ito sa kanilang pahayag patungkol sa human rights violations sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?