7

Sep 5, 2020 @ 15:19
By

‘Pahalik’ bawal muna, ‘Pasulyap’ pwede sa Black Nazarene

Noong unang Biyernes ng Setyembre, daan-daang deboto ang nagtungo sa Quiapo Church pero 100 lang ang pinayagan kada misa sa loob ng simbahan.

Ayon kay Msgr. Hernando Coronel, rector ng Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church), malaking challenge ang physical distancing sa libo-libong deboto na nagtutungo pa rin sa simbahan kahit pandemic.

“It is a challenge through the week to enforce social distancing at Plaza Miranda; it was not easy in Carriedo and Quezon Boulevard … As of this hour, people are able to keep a distance,” wika ni Coronel sa panayam ng Inquirer.

At para sumunod sa mga health protocol laban sa coronavirus, sinabi ni Coronel na hindi muna papayagan ang paghalik sa mga sagradong imahe.

Sa halip aniya na “Pahalik”, mayroon silang “Pasulyap” o “Pagtanaw” sa bahagi ng Carriedo.

Doon ay maaaring pumila ang mga tao para makita at magdasal kay Hesus ng isang minuto.

Hindi maaaring hawakan ang Itim na Nazareno pero pwedeng lumuhod dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?