73
preso
By

Pagyosi, No. 1 sanhi ng pagkamatay sa PHL – DOH

Aabot sa mahigit 74,000 bilang ng mga namatay sa Pilipinas ay dahil sa ischemic heart diseases o paninigas ng mga ugat sa puso noong 2016.

Ginawa ng Department of Health (DOH) ang paghahayag ng nasabing impormasyon kasabay ng paggunita ngayong araw sa “World No Tobacco Day 2018”.

Sa pulong balitaan na pinangunahan ni DOH Secretary Francisco Duque III, iniulat din ng kagawaran na ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang limang non-communicable disease na iniuugnay sa paninigarilyo at nangungunang sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas ay ang kanser, stroke, hypertension, diabetes mellitus at iba pang sakit sa puso.

Ayon kay Duque, nang dahil sa paninigarilyo, tumataas ang panganib ng pamumuo ng dugo o blood clot, napapanipis sa mga ugat at nahaharang ang pagdaloy ng oxygen sa dugo.

Pero bukod sa direktang paninigarilyo, nakakasama rin sa kalusugan ang paglanghap ng secondhand smoke.

“I would like to reiterate that tobacco use and breathing secondhand smoke may indeed break your heart. You may have heard this a million times, smoking is dangerous to your health, but we still want to remind you every time we have a chance. Tobacco smoke thickens the blood, increases the risk of blood clots, narrows the arteries and restricts oxygen in the blood,” paliwanag ni Duque.

Dahil dito, hinimok ni Duque ang publiko na talikuran na nang tuluyan ang paninigarilyo dahil kasama umano sa benepisyong maidudulot nito ay ang pagbaba ng blood pressure, pagbaba sa normal na antas ng carbon monoxide sa dugo at mapapababa rin ang tsansa na magkaroon ng coronary heart disease.

Pangmatagalang epekto rin ng pagtigil sa paninigarilyo ang pagbaba ng tsansa na dumanas ng stroke.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?