32

By

Pagyamanin ang pagkakaisa, hiling ni Duterte sa Ramadan

Sharing is caring!

Nakisama si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mananampalataya ng Islam kaugnay sa pagsisimula ng pag-obserba sa Ramadan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng pangilin at pagdarasal ay sana maabot ang espirituwal na paglilinis at pag-unlad.

“In the name of Allah the Most Gracious, the Most Merciful, may the peace, mercy and the blessings of Allah be upon you all on the ocassion of Ramadan.

“We come at a time when the Islamic faith reflect on the principles in the Qur’an and how these relate to their thoughts and actions as Muslims. Through fasting and prayer, this significant event reveals to them the will of Allah and reaffirms their resolve to achieve spiritual cleansing and growth,” anang Pangulo.

Sa pamamagitan ng pagsunod sa turo ng Islam, hangad ng Pangulo na magpatuloy ang paggawa ng mabuting gawa lalo na sa mga mahihirap at iba pang mahihirap na sektor ng lipunan.

Hiniling ng Pangulo sa mga kapatid na Muslim na pagyamanin ang pagkakaisa sa lahat ng mamamayang Filipino sa pamamagitan ng pananampalataya at aksiyon.

Magkapit-bisig aniya para sa pagbangon ng bansa at pagtulungang gawin ang Pilipinas bilang isang mapayapa, at may pagkakaisang nasyon.

“By demonstrating the noble teachings of Islam, it is my fervent hope that you continue to do good deeds for the poor and the marginalized members of the society. I ask that you foster a sense of solidarity among all Filipinos by manifesting faith through action. Let us join hands in the shared task of nation-building as we make the Philippines a more inclusive, peaceful and united country in the years to come.I wish all of us a solemn occasion,” dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?