636

Jul 20, 2021 @ 15:29
By

Pagwawala ni Arvin Tan, anak ni Oca Orbos, napansin ni Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa drug test sina Arvin Tan at Franz Orbos na naging sentro ng balita matapos magwala at gumawa ng eksena sa publiko.

Hindi nakaligtas sa pansin ng Pangulo ang dalawang insidente ng pagwawala nina Tan at Orbos kaya nais nitong mabatid kung nasa katinuan ang mga ito o bangag sa ipinagbabawal na gamot.

“I have seen the news a recent incident where a certain Arvin Tan resisted arrest by police authorities and led a car chase from Quezon City to Manila damaging several vehicles and injuring many. Have you had the opportunity to bring him to a facility where he can be tested if he is free of drugs?,” anang Pangulo.

Naganap umano ang pagwawala ni Tan sa isang hotel sa Quezon City at nang rumesponde ang mga pulis ay tumakbo ito at tumakas sa halip na sumuko sa mga awtoridad.

Binanggit rin ng Pangulo ang pangalan ni Franz Orbos, anak ni dating Cabinet Secretary Oscar Orbos na inaresto at kinasuhan ng mga awtoridad matapos murahin ang mga pulis at traffic enforcer sa Muntinlupa City dahil sa paglabag sa batas trapiko.

Ipinagmayabang pa umano ni Orbos na anak siya ng dating opisyal ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?