26
alex-pagulayan
By

Pagulayan kinalawang, nakasilip

WALA sa pangkaraniwang porma pero nailusot pa rin ni Alex ‘The Lion’ Pagulayan ng Canada ang kanyang first round assignment sa 25th annual Mansion Bet World Pool Masters kahapon sa Gibraltar sa United Kingdom.

Sinargo ng Filipino-Canadian ang 8-4 triumph laban kay Akex Lely ng Holland upang umusad sa quarterfinals ng prestihiyosong event.

“The table is fine, we just aren’t used to it yet. I was a bit lost at the beginning but towards the end I got the table a little bit. When you make a mistake, you can’t put yourself down, you have to keep fighting hard, keep your composure and do the best that you can,” kwento ng 2008 edition champion na si Pagulayan.

“I am fortunate to get through because Alex Lely didn’t play his game and I got a few rolls towards the end of the match and a little bit in the middle.”

Abante rin sa sunod na round sina Shane Van Boening ng U.S.A. at Darren Appleton ng England matapos magwagi sa kani-kanilang unang laban.

Walang kahirap-hirap na idinispatsa ni Van Boening si Daryl Peach ng England, 8-2, samantalang pinakaba muna ni Earl Strickland si Appleton bago makuha ng una ang 8-6 victory.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?