49
delfin-lorenzana
By

Pagtutol ni Sison sa localized peace talks, parang kahol ng aso – Lorenzana

Hindi na nagulat pa si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pagtanggi ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison sa pagkakaroon ng localized peace talks sa bansa.

Sinabi ni Lorenzana wala nang saysay ang anumang sasabihin ni Sison dahil nakarating na sa lokal na rebelde ang usaping pangkapayapaan.

Tinuturing lang umano ni Lorenzana na isang “noisy distraction” ang mga pahayag ni Sison na tulad ng kahol ng aso na dapat ay binabalewala.

“I consider Sison’s rejection and rant as just a noisy distraction, like the barking of a dog that is best ignored,” sabi ni Lorenzana.

Giit pa ng kalihim, hindi nila ititigil ang pagsusulong ng localized peace talks dahil lang tinanggihan ito ni Sison.

Nanindigan din si Lorenzana na hindi pag-aaksaya ng pera ang localized peace talks gaya ng banat ni Sison.

Ang tunay aniyang pera na naaaksaya ay ang perang kinokolekta ni Sison at kanyang mga tagasunod para sa tinatawag nilang revolutionary tax at ang perang ginagamit ng una sa pagpapasarap sa bansang Netherlands.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?