7

May 25, 2021 @ 13:40
By

Pagtutok sa NCR, 8 lugar sa vaccine rollout, suportado ng DOH

Klinaro ng Department of Health na sila’y sang-ayon na gawing prayoridad ang NCR at walo pang area sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Ayon sa DOH, ang mga area ng NCR, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Batangas, Cavite, Laguna, Pampanga, at Rizal ay ang may pinakamalaking populasyon sa bansa kaya’t mas delikado ang COVID-19 transmission.

“Such risks have economic and social implications, which are inherently tied to health and nutrition outcomes,” ayon sa DOH.

Ayon pa sa DOH, ang naging pahayag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ay tungkol lang sa pagbuhos ng 90 percent ng supply ng bakuna sa NCR Plus area.

Saad ng ahensya, ‘inappropriate’ ang naturang suhestiyon dahil kailangan pa ring bigyan ng supply ang ibang rehiyon para sa kanilang mga health worker, senior citizen at mga residenteng may comorbidity.

Sa datis ng DOH, 67% ng supply ng bakun ay napupunta sa NCR, at Region 4A, III, VII, at XI.

Umabot na sa 166,861 ang average kada araw ang natuturok na dose buhat noong May 23, pinakamataas sa rollout ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?