60

Apr 29, 2020 @ 17:54
By

Pagtutok ng China ng radar gun sa PN vessel pambu-bully, pananakot -Zarate

Hindi benta kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na sinubukan lang ng China ang pagtutok nito ng radar gun sa Philippine Navy vessel sa West Philippine Sea (WPS).

Sa halip, giit ni Zarate na malinaw naman na ang intensyon ay i-bully at takutin ang Philippine Navy.

“Pinaputok man o hindi ng Chinese Navy ang kanilang radar gun, malinaw naman na ang intensyon nito ay i-bully at takutin ang PN at ang mga maliliit na bansang katulad ng Pilipinas na claimants sa WPS,” ayon kay Zarate.

Dagdag pa ni Zarate, “Noong mga nakaraang panahon, verbal na pananakot lang ang ginawa nila, nitong nakaraan nakatutok na ang mga baril nila, bukas, makalawa malamang ipuputok na nila ang mga baril nila para lang maigiit ang gusto nilang pag aangkin sa ating mga teritoryo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?