35

Mar 17, 2021 @ 10:36
By

‘Pagtulak kay Duterte na mag-VP ‘di maaawat ni Pacquiao’

Hindi titigil ang panghihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo bilang vice president sa 2022 elections kahit pa nagbabala ang pinuno ng PDP-Laban sa pagsasalita tungkol sa pulitika sa panahon ngayon.

“I think it will not stop, kasi ang clamor, nandoon na eh,” ayon kay PDP-Laban Deputy Secretary General Melvin Matibag, Martes.

Magugunitang sinabi ni PDP-Laban acting president Sen. Manny Pacquiao na ang dapat asikasuhin ngayon ng mga miyembro ng partido ay hindi politika kundi pagtulong sa publiko.

Pero ayon kay Matibag, kumakalat pa rin ang resolusyon na tinutulak si Duterte sa pagka-VP sa susunod na halalan.

“I respect our acting president Senator Manny Pacquiao. But mayroon kaming mga pinaniniwalaang principle sa PDP kagaya nung consultative and participatory democracy. So how can we stop ‘yung members namin who want to sign it?” banggit niya.

“The resolution is staying alive on its own. Talagang kumalat na siya.”

“In fact, lumalabas dito na instead na nadi-divide ‘yung party, it’s being shown that it’s actually President Duterte as the chairman of the party [who] is the single person who can unify the party,” saad pa ni Matibag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?