108

By

Pagtsupi kay Robredo sa draft charter, kalokohan! – Macalintal

Sharing is caring!

Kinuwestiyon ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang draft charter sa Mababang Kapulungan na iniakda ni House Speaker Gloria Arroyo.

Sa Transitory Provisions of Resolution of Both Houses No. 15, nakasaad na ang Senate president at hindi ang vice president ang papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte sakaling bumaba ito sa puwesto sa pagpapalit sa pederalismong sistema ng gobyerno.

Sinabi ni Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, malaking kalokohan ang pagsama sa election protest na kinasasangkutan ng bise-presidente at ni dating Sen. Bongbong Marcos sa probisyon sa draft charter.

Unang ipinaliwanag ni Leyte Rep. Vicente Veloso ang pagsama sa probisyon ay dahil sa protesta ni Marcos kay Robredo sa naging laban nila noong 2016 election.

Si Veloso ang namumuno sa House Committee on Constitutional Amendments.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?