324

By

‘Pagtsugi kay Cardo Dalisay’ aprub sa mga fan

Sharing is caring!

‘Walang kasiguraduhan!’ ang paunang chika ng source ko tungkol sa balita na magtatapos na ang Ang Probinsyano ni Coco Martin ngayong Setyembre 2018, at ang teleseryeng ipapalit ay ang ginawa ngayon ng Reyna ng Teleserye na si Judy Ann Santos, ang Starla.

‘May Angel Locsin pa na The General’s Daughter!” sey pa ulit ng source ko.

Meaning, abangan na lang daw sa September kung matutuloy ang pagtatapos ng Ang Probinsyano. Marami pa raw ang puwedeng mangyari.

“’Yung Angel and Juday project, for sure pang-primetime ‘yon. Pero, hindi pa sure kung yun ang ipapalit eh. Kasi sa ngayon, tuloy-tuloy lang sa pagti-taping ang team ni Coco.

“At as far as I know, wala akong alam na team na nagti-taping na ang timeslot ay pang-primetime talaga. Kasi sa ABS-CBN hindi nalalaman kung ano ang timeslot, dahil a few days before na iere ang telesrye, doon lang nila sinasabi kung ano ang timeslot.

“Sa ngayon, subsob pa rin sa taping ang team ni Coco. Ang dami pa nilang naiisip, eh. At saka, aminin niyo naman, puno ng values ang teleserye na ito ni Coco,” sey pa ng source ko na taga-ABSCBN.

Anyway, mababasa naman na sa social media nagsasabi na dapat na talagang tapusin ang Ang Probinsyano, dahil sobrang tagal na (magta-tatlong taon na sila sa September 2018).

Heto ang komento ng ilang netizen:

“Please lang tapusin niyo na yung Ang Probinsyano.” – Alleine

“I’m seeing a lot of people complaining how the writers are dragging the story. Tapusin niyo na please, katamad na eh.” – Jackie

“Tapusin niyo na ang Ang Probinsyano. Awang-awa na ako kay Lola Flora (Susan Roces)!” – Toni

“Dapat na talaga tapusin. Wala nang kuwenta ang story. Nakakabobo na!” – Manuel Miguel

“Napaka-weird na ng istorya. Me like tapusin niyo na parang awa niyo na hindi na nakakatuwa.” – Maria Wilma

“ABSCBN puwede bang tapusin niyo na ang Ang Probinsyano. These recent episodes suggest kasi that women should always be submissive and understanding of their husband, no matter what, just because babae sila and without even considering kung anong nararamdaman nila. And with all these women empowerment movements happening inside and outside the country, sobrang tone-deaf ng writers about it.” – Richard

“Sobrang annoying na. Jusko please tapusin niyo na.” – alias

“Alyana pansinin mo na si Cardo. Tapusin niyo na.” Abhie Barandino

“Petition to end the ceaseless FPJ’s Ang Probinsyano, super tagal na, tapusin niyo na.” – noknok

“Kelan ba mamamatay si Cardo? Nakakaumay na!” – sin will be back, do…

“Mas marami pang magagaling na actor sa abs na deserve mag-primetime. Tapusin niyo na.” – fuckinlove

“Pagod na si Cardo. Tapusin niyo na ang show.” – jack.s/h

“Before: Nakakasawa na ang Ang Probinsyano puro gulo. Tapusin niyo na ang programa na yan ang tagal na…”

Today: Nakita mo na ang teaser ng AP? Nakakatawa.

Me: Tatapusin na raw ang AP? Ha? Bakit? Madami ang magagalit. Wag muna.” – Leona

“Jusko Dreamscape tapusin niyo na ang Ang Probinsyano, not because of Coco, but because of Eddie Garcia. 90 plus na siya wag niyo na siyang pagurin.” — @stanlist.

“Wag niyo tapusin, ang pogi ni Coco!” – Corrine

“Sana mag-change mind ang ABS-CBN na wag munang tapusin ang Ang Probinsyano.” –

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?