51

Dec 21, 2020 @ 19:17

Pagtodas ng pulis sa mag-ina sa Tarlac, ‘di kasalanan ng buong PNP – Año

Hindi kasalanan ng buong pambansang pulisya ang pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

“While there are unfortunate incidents like this, the vast majority of our PNP (Philippine National Police) personnel perform their sworn duties everyday with honor and integrity to protect and serve the people,” sabi ni Año sa pahayag nitong Lunes.

Kaugnay iyon sa pagpatay ni Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa mag-inang Sonya Gregorio, 52, at Frank Anthony, 25, sa bayan ng Paniqui noong Linggo.

“The sin of Nuezca is not the sin of the entire Philippine National Police. As we have seen during this pandemic, they place their very lives on the line as frontliners in our COVID response,” dagdag ng DILG chief.

Samantala, pinaalalahanan niya ang lahat ng pulis na manatiling kalmado sa lahat ng oras upang makontrol ang kanilang emosyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?