20
views

By

Pagtigil sa ‘firing squad presentation’ ng PNP, aprub sa CHR

Sharing is caring!

Ikinatuwa ng Commission on Human Rights (CHR) ang kautusan ng National Police Commission (Napolcom) sa Philippine National Police (PNP) na tigilan na ang nakasanayang ‘firing squad presentation’ ng mga nahuhuling suspek.

Sa inilabas na pahayag ng CHR, sinabi na ang utos na rin ni PNP Chief Oscar Albayalde na ihinto na ang pagpapalinya sa mga suspek para iharap sa media ay pagtalima na rin sa naunang abiso ng komisyon.

“This is in consonance with human rights standards particularly on due process and presumption of innocence,” ayon sa CHR.

Nahalukay ni Albayalde na noon pang 2008 ay may memorandum na si dating PNP Chief Jesus Verzosa sa mga police regional at provincial directors na ihinto na ang ‘firing squad presentation’.

Sinabi sa kautusan, na paglabag sa karapatang-pantao ang nakaugalian na ng mga opisyal ng PNP sa tuwing may mga nahuhuling suspek sa krimen.

Nabatid na maging ang human rights groups ay natuwa sa naging hakbang na ito ng Napolcom at PNP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?