133

Sep 8, 2020 @ 0:16
By

Pagtawag ni EJ Laure na ‘bunso’ kay Bugoy pinulutan ng netizens

Inungkat ng mga netizen ang palitan noon ng mga tweet nina volleyball star EJ Laure at Goin’ Bulilit actor Bugoy Cariño.

May petsa ang mga tweet na October 2016.

Doon tinawag ni Bugoy na “ate” si Laure habang “bunso” naman ang term of endearment ng huli sa 14-anyos pa lang noon na child actor.

Tingin ng ilang netizen, biktima ni Laure si Bugoy dahil 15-anyos pa lang ang aktor nang mapabalitang nabuntis niya ang 20-anyos noong team captain ng UST Tigresses.

Ilang taon ang nakalipas, nag-18th birthday si Bugoy nitong September at nilantad na niya ang pagkakaroon ng anak kay Laure.

“Happy birthday to me” kalakip ang larawan ni Laure at anak nilang si Scarlet.

Hindi bet ng mga netizen ang agwat ng edad ni Laure kay Bugoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?