21
views

By

Pagtawag na paranoid sa gobyerno, dedma lang sa Palasyo

Sharing is caring!

Hindi pinatulan ng Malacañang ang panggigigil ng grupong Akbayan makaraang tawaging “paranoid” ang gobyerno dahil hindi pinayagang makapasok sa bansa ang opisyal ng European Union (EU) na isa sa mga kritiko ng Duterte administration.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kapangyarihan ang gobyerno na pumili kung sino ang mga dayuhang gustong papasukin sa bansa.

Ang pagharang ng Bureau of Immigration kay EU specialist Giacomo Filibeck ay indikasyong hindi siya welcome sa Pilipinas.

Sinabi ni Roque na sa ilalim ng International Law, mayroong kapangyarihan ang bansa na magpasya kung sino ang gustong papasukin sa Pilipinas at hindi obligadong patuluyin ang sinumang dayuhan.

“Well, alam ninyo in international law, it is always a sovereign decision whom they wish to allow into their territory. So we are not obliged to allow anyone into our territory if we do not want them in our territory. Unfortunately, the socialist leader was one of those that we determine as a person that we don’t want to be in our territory.

“There is no rule under international law that will compel us to admit anyone whom we do not want to admit in our territory. That’s the exercise of sovereignty,” ani Roque.

Bahala na aniya ang publiko na humusga dahil kahit kailan ay walang sinabing maganda ang Akbayan sa Pangulo kaya kung mapapansin aniya ay hindi siya sumasagot sa mga tanong na may kinalaman sa mga ito.

“Naku, let the people decide. Akbayan naman has never had anything good to say about the President. Kung napapansin ninyo, kapag humihingi kayo ng reactions sa mga statements ng mga wala namang mabuting sinasabi ang President hindi na ako nagbibigay ng statement. What for ‘di ba, nagiging isyu lang if we react to it,” dagdag pa ni Roque.

Si Filibeck ay dadalo sana sa dalawang araw na Akbayan Party Congress kasama ang iba pang dayuhan subalit hinarang siya sa Cebu International Airport at kaagad ding pinabalik sa pinanggalingang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?