8

By

Pagtatayo ng subway, aprub sa konseho sa Cebu

Sharing is caring!

Nagpahayag ng pagsuporta ang Cebu City Council para sa pagtatayo ng subway component ng mass transport system na Light Railway Transit (LRT).

Sa nakalap na botong 8-7, napagkasunduan ng konseho ang resolusyon ni Councilor Raymond Alvin Garcia na nag-eendorso ng underground component ng LRT system para sa siyudad.

Nasa pitong opposition councilors ang sumang-ayon sa resolusyon habang nasa pitong administration councilors naman ang tutol dito at dahil nagtabla ang dalawang panig, sumang-ayon na lamang si Vice Mayor Edgardo Labella na siyang namuno sa konseho.

Siniguro naman ni Garcia na ang kanyang resolusyon ay magtutulak sa mass transport system na hindi makikipagkumpetensya sa kasalukuyang kapasidad ng kalsada.

Ayon kay Chris Kou, kinatawan ng consortium at project developer, pinangunahan ni Tjen Hian Ka, senior consultant, ang proseso sa Department of Transportation noon pang 2017 at inaasahang matatapos ang proseso nito ngayong taon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?