By

Pagtatayo ng PCG General Hospital, aprub sa Kamara

Sharing is caring!

Lusot na sa House Committee on Transportation ang panukala para sa pagtatayo ng Philippine Coast Guard General Hospital (PCGGH).

Inaprubahan ng komite ang House Bill 6090 na naglalayong magtayo ng Coast Guard Hospital para mabigyan ng maayos at murang health care services ang mga tauhan ng PCG at kanilang pamilya.

Nakasaad sa panukala na itatayo ang PCGGH sa Coast Guard base sa Taguig City kung saan magkakaroon ng package para sa health care program ng PCG personnel at kanilang dependents.

Itinatakda rin ng nasabing panukala ang pagsasagawa ng medical examination sa lahat ng coast guard trainees para masiguro ang kanilang physical at mental capability.

Ang PCGGH ay pangangasiwaan ng board of directors kabilang ang kalihim ng Department of Health bilang ex-officio chairperson at kalihim ng Department of Transportation bilang vice chairperson.

Kasama rin sa board ang commandant ng PCG, deputy nito at command surgeon ng PCG Medical Services bilang mga miyembro.

Mangangailangan naman ng P400 milyon na pondo para sa pagpapatayo at inisyal na operasyon ng ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?