326
Pagtatayo ng bagong gusali ng Senado, sisimulan na
By

Pagtatayo ng bagong gusali ng Senado, sisimulan na

Pinangunahan ni Senate President Vicente Sotto III ang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong gusali ng Senado sa Taguig City nitong Lunes.

Ito umano ang hudyad ng pagsisimula ng konstruksiyon para sa Senate building na P8.5 bilyon ang halaga.

Isa itong four-tower, 11-story complex sa Philippine Navy Village sa Fort Bonifacio.

Kabilang sa dumalo sa seremonya sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Minority Leader Franklin Drilon, Senador Panfilo Lacson, Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Gregorio Honasan, Loren Legarda at Joel Villanueva.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), inaasahan umanong matatapos ang gusali sa Hulyo 2022.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?