17

By

Pagtatapos ng ‘Sana Dalawa Ang Puso’, dapat tutukan!

Sharing is caring!

Matapos maibunyag ang katotohanan sa pagkatao nina Mona at Lisa (Jodi Sta. Maria), susubukan nila ngayong buuin ang kanilang pamilya sa pagtatapos ng ‘Sana Dalawa Ang Puso’.

Huling nakita ang kambal na nakikipag heart-to-heart sa kanilang tunay na ina na si Sandra Tan (Irma Adlawan). Bagama’t natanggap na nila ang katotohanan at napatawad na ang isa’t isa, marami pa ring hadlang sa pagkakabuo ng kanilang pamilya gaya ng pagtatampo at pagkawala ni Juancho (Christopher De Leon).

Maliban doon ay patuloy ang banta ng paghihiganti ni Primera (Denise Laurel) at ng sindikatong Odonata sa kaligtasan ng lahat. Maging si Martin (Richard Yap) ay malalagay sa panganib matapos malaman ni Primera na maaring may kinalaman siya sa pagkasira ng mga plano ng kontrabida.

Samantala, mas gaganahan si Leo (Robin Padilla) na tapusin ang kanyang misyong pabagsakin ang Odonata para sa ikabubuti ng asawang si Lisa.

Matanggap kaya ni Juancho ang katotohanan? Masugpo kaya nila si Primera at ang Odonata? Paano bubuuin nina Mona at Lisa ang Kanilang pamilya?

Huwag palampasin ang mga mas exciting na kaganapan sa pagtatapos ng “Sana Dalawa Ang Puso.” Panoorin ito araw-araw, bago mag “It’s Showtime” sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?