156

By

Pagtatapos ng Contessa, puno ng pasabog

Sharing is caring!

Ilang araw na lang ay magtatapos na ang teleseryeng ‘Contessa’ na tinatampukan ni Glaiza de Castro. Tiniyak ng Kapuso actress na sa pagtatapos nito ay maraming kaabang-abang na pasabog.

“Siyempre po, huwag ninyong kalilimutan ang Contessa. Mapapanood nyo po ito Mondays to Saturdays pagkatapos ng Eat Bulaga,” esplika ni Glaiza.

Ano ba ang dapat asahan dito ng mga manonood?

Tugon ng aktres, “Maraming pasabog na literal, dahil may mga pa-granada iyong ano… hahaha!”

Saad pa niya, “Maraming mga mawawala eh, ay grabe, grabe talaga nang binabasa ko ang script, ang bigat eh, ang bigat masyado.

“Siyempre yung mga nakalaban ni Contessa, iyong mga umapi sa kanya, yung mga Imperial, ano ba ang kahihitnan ng mga taong iyon?

“Katulad ni Duquessa, makakabawi ba siya, magbabago ba sila? May redemption ba sa character nila or mamamatay silang waley, na ganoon talaga iyong isip nila? So, ayun.”

Bukod kay Glaiza, tampok din sa Contessa sina Geoff Eigenmann, Chanda Romero, Lauren Young, Gabby Eigenmann, Jak Roberto, Neil Ryan Sese, Max Collins, Tetchie Agbayani, Mon Confiado, at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?