123
grace-poe
By

Pagtatanggal ng anti-Marcos posts sa socmed, iimbestigahan ng Senado

Sharing is caring!

Iimbestigahan ng Senate committee on public information ang pagtatanggal sa Facebook ng ilang posts laban sa itinutulak umanong compromise agreement ukol sa diumanoy nakaw na yaman ng mga Marcos.
Ayon kay Senator Grace Poe, chairman ng nabanggit na kumite, pangungunahan niya ang pagbusisi rito.
Nais niyang busisiin ang standards ng social media partikular ng Facebook para sa mga pinapayagan at sa mga tinatanggal nitong posts.
Kailangan aniya itong liwanagin dahil maaring nakikitil dito ang karapatan sa freedom of speech at freedom of expression.
Maari itong ipaloob ni Poe sa naumpisahan nang pagbusisi sa pagkalat ng mga fake news sa pamamagitan din ng posts sa social media gaya ng Facebook at mga blog.
Pero kung kinakailangan, puwede siyang magpatawag ng bukod na pagdinig-publiko ng Senado.
Iniulat nang humingi ng paumanin ang Facebook dahil umanoy hindi sinasadyang natanggal ng isang staff nito ang posts ng mga kilalang bloger na sina Gang Badoy-Capati at Tonyo Cruz kung saan nakasaad ang balangkas ng compromise agreement ukol sa Marcos wealth na inakda ni Atty. Oliver Lozano na kilala namang loyalista ng mga Marcos.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?