177

Sep 26, 2019 @ 19:34
By

Pagtatambal ng PVL, PSL abang ng mga fan

Inanunsyo nitong Miyerkoles ang pagsasanib-pwersa ng dalawang sikat na volleyball league sa bansa na Premier Volleyball League at Philippine Superliga para sa isang national tournament, na susundin ang respective competition ng dalawang liga na reinforced at all-Filipino conference.

“Both leagues have agreed in principle to work towards this,” saad ni Joey Guillermo. “It will be a national tournament for volleyball to determine the best club in the land.”

Nanguna sa pagpupulong si sportsman Raffy Villavicencio, kasama rin si PVL representative Richard Palou at tournament director Guillermo at sina PSL President at COO Dr. Ian Laurel, PSL Chairman at CEO Philip Ella Juico.

“With the cooperation of the two leagues along with the support and guidance of the Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. (LVPI), this will greatly help in the development of volleyball throughout the country,” sabi pa ni Guillermo.

Tunay naman na kinatuwa ng mga volleyball fan ang pagsasanib-pwersa ng dalawang liga.

Tweet ni Seph (@Jericoseph) ” SAWAKAS! Nagsama na PVL at PSL teams!!! MAGANDANG LABAN TO!!”

“The emergence perhaps of the solid alliance between PSL n PVL will eventually decide who the coaching staff would be Sana the final 2 from each league collide with their respective coaches and d mentors of d final winner will be IT Let d glorious days of PH volleyball begin,” saad naman ni RUBY (@rubietania).

Reaksyon naman ni K.S.E. 13 (@EspirituKenneth) “Finally!!! PSL and PVL have agreed to launch a national tournament that will begin on July 2020 to determine who really is the best club team on the land. Syet exciting to! May pagbabago!”

Ayon sa balita, Hunyo 2020 pa magaganap ang torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?