30

Jan 14, 2022 @ 15:55
By

Pagtatalaga ng mga pulis upang proteksyunan media pinuri

Pinuri ni House Assistant Majority Leader at ACT-CIS Rep. Rowena Niña Taduran ang Philippine National Police (PNP) sa pagtatalaga nito ng mga pulis na magbibigay ng proteksyon sa mga media men lalo ngayong panahon ng halalan.

“Media workers face threats, pressure and intimidation in relation to their work especially during election period. Armed with nothing but their pens and their words, they bravely do their jobs amidst all challenges. We don’t want another Maguindanao massacre to happen wherein journalists sacrificed their lives to deliver the news. They need protection to bring out the truth to the public,” sabi ni Taduran sa isang pahayag.

Binigyan din ng kredito ni Taduran si Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Secretary Joel Sy Egco na siyang nagdala ng usapin sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang DILG ay nagbaba ng utos sa PNP upang magtalaga ng Media Security Focal Persons sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sinabi ni Taduran na may mga pagkakataon na naiipit sa bangayan ng dalawang magkaaway na pulitiko ang mga media men.

“Media is very important especially at this time when we want the truth about the elections to be delivered in the safety of our homes. Ligtas tayong nakikinig at nanonood sa kanilang mga balita, pero ang mga taga-media, hindi napo-protektahan ng husto sa kanilang trabaho,” dagdag pa ng lady solon.

Si Taduran ang may-akda ng Media Workers Welfare Bill, na naglalayong palawigin ang proteksyong ibinibigay sa mga media men. Ang panukala ay nakabinbin sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?