3
ralph-recto
By

Pagtataas ng SSS member contribution inaawat ni Recto

Sharing is caring!

Ipinabubusisi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang balak ng Social Security System (SSS) na taasan ang premium contribution ng mga miyembro nito.

Kaugnay nito, inihain ni Recto ang Senate Resolution No. 621 kung saan layon ding pigilan muna ang SSS na ipatupad ang plano habang hindi pa ito nalilinawan.

Una rito, inihayag ng SSS na itataas nito mula 11% tungong 14% ang kontribusyon ng mga miyembro umpisa sa Abril 2018.

Kailangan umano ito para mapahaba ang actuarial life ng pondo ng SSS o upang umabot ang pondo nito sa taong 2044 sa halip na hanggang sa 2032 lamang ito.

Kailangan din umano ng pampuno sa pondo ng SSS matapos nitong magbiay ng P1,000 umento sa SSS pensioners noong nakaraang taon.

Ayon kay Recto, kailangan muna itong pag-aralan dahil inirereklamo ng iba’t ibang samahan ng mga manggagawa na hindi ito dumaan sa malawak na konsultasyon.

Marami rin ang umaangal dahil sasabay ito sa pagtataas ng presyo ng mga bilihin dahil sa pag-iral ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na nagtaas ng buwis sa petrolyo at iba’t ibang produkto at serbisyo.

“There is an immediate need to look into this compelling issue of raising SSS members’ contribution rate and its potential impact to its milions of members,” ani Recto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?