130

Nov 5, 2019 @ 11:56
By

Pagtapon kay Banchero, desisyon ni Cariaso

Sariling desisyon ni coach Jeff Cariaso at ng kanyang staff ang ikinasang trade para makuha sina Rodney Brondial at Robbie Herndon mula Magnolia kapalit ni Chris Banchero.

Nitong nagdaang weekend, pinutakti ng tawag at tanong ang Alaska management, humihingi ng kumpirmasyon o detalye ng trade.

Nagsalita si Cariaso tapos ng 106-99 win ng Aces kontra NorthPort nitong Linggo.

“I think it’s pretty safe that the trade is good,” ani Cariaso pagsampa sa 3-6 ng Alaska.

“That was really my trade. That was a coaching staff’s decision,” dagdag ng coach na naupo sa puwesto nito lang August kapalit ni Alex Compton. “I really feel that this trade is gonna help us.”

Mahirap din pakawalan si Banchero, marami na siyang naitulong sa Alaska. Pero may hinahanap ang team na kakulangan sa piyesa, at perfect fit dito sina Brondial at Herndon.

“To get something, you always have to give up something,” dagdag ng coach. “But … siya din lang ‘yung gusto ng iba. Siya din ‘yung medyo tradeable sa amin. For me to sort of bring in the parts that I need, sometimes you have to give up something.”

Sugal din daw sa Alaska ang trade, dahil napapakinabangan nila si Banchero.

“But the two players, I know they haven’t played a lot lately,” paliwanag pa ni Cariaso. “But we know what they’re capable of and we feel they’re a perfect part to the team and the core na gusto ko i-mold.”

Nahawakan na ni Cariaso si Brondial sa Ginebra noong 2014, ang nag-iisang season niya roon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?