231

By

Pagtanggi sa Gilas nilinaw: Parks nahiya sa Blackwater

Sumagot si Bobby Ray Parks Jr sa isang artikulo na lumabos tungkol sa pagliban niya sa Gilas Pilipinas national pool dahil umano may iba itong prayoridad.

Ayon kay Parks, hindi niya inaayawan ang pagrepresenta sa bansa, patunay na ang paglalaro niya sa Alab Pilipinas ng ilang season bago sumalang sa PBA.

“Woke up this morning to a misleading article smh. For people to actually believe that i dont want to represent my country is crazy. Kaya nga nglaro sa Alab and went abroad carrying the [PH] flag anywhere and everywhere i go,” saad sa tweet ni Parks.

Aniya pa, hindi prayoridad ang dahilan kaya napiling hindi muna mapabilang sa pool. Nahihiya umano siya sa kanyang mother team na Blackwater at kailangan din umano siya nito dahil sa pagkawala ng kanilang import.

“First off i didnt decline due to different priorities. Hiya oo pero priority hindi. First conference ko palang sa PBA pinayagan na ako ng Blackwater tapusin ABL stint ko kaya sobrang thankful ako. Tapos ngayon wala kaming import tapos mawawala ako nahihiya lang din ako sa BWE,” eksplika ng three-time ABL local MVP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?