21

Nov 10, 2021 @ 10:42
By

Pagtanggi sa ‘di bakunadong aplikante tama lang – Duterte

May karapatan ang mga employer na huwag tanggapin sa trabaho ang isang aplikanteng hindi bakunado.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People sa harap ng kuwestiyon sa mga hindi bakunadong naghahanap ng trabaho.

Sinabi ng Pangulo na pinoprotektahan lamang ng mga employer ang kanilang negosyo at mga manggagawa para hindi mahawa ang mga ito sa mga hindi bakunadong posibleng mag dala ng virus.

“I think it’s legal for employers not to accept people who are not vaccinated. Tama sila, I agree with them. And as a lawyer, sabihin ko mukhang tama ang ginawa ninyo. You are just protecting business and other people, so what could be the legal argument against it?” anang Pangulo.

Hindi maintindihan ng Presidente ang lohika sa ilang sekta ng relihiyon na bawal sa kanilang miyembro ang magpabakuna para sa kanilang proteksiyon, at nagiging dahilan para mapagkaitan ng mga oportunidad.

“May mga tao who would not want to be vaccinated. I do not know what would motivate them to think that way,” dagdag ng Pangulo.

Malas lamang aniya ng mga employer na mayroong mga manggagawang ayaw magpabakuna dahil hindi pwedeng paalisin ang mga ito alinsunod sa umiiral na batas sa paggawa.

“Sabi ng mga lawyers, strongly saying that hindi pwede paalisin kung ayaw magpabakuna. That would be a violation of the law, and I think I agree with it,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?