12

Apr 9, 2021 @ 16:46
By

Pagtanggi ng ospital sa COVID patient iligal – ex-DOH chief Cabral

Tinawag ni dating Health Secretary Esperanza Cabral na iligal ang mga nakapaskil na notice sa mga ospital na nagsasabing hindi na ito tumatanggap ng mga pasyenteng may coronavirus dahil apaw na sila nito.

Sa kanyang pahayag sa Facebook, sinabi ni Cabral na nakikisimpatiya siya sa mga ospital ngunit ang pangangalaga sa mga pasyente ang dapat bigyang-prayoridad higit sa mga nararanasang paghihirap ng mga ito sa pandemya.

Iginiit niyang mayroong batas (Republic Act No. 8344) na nagsasabing hindi maaaring talikuran ang pasyente hangga’t hindi ito napapa-stable at kung kailangan mang ma-confine ngunit hindi kayang ma-accommodate sa ospital, obligado ang pagamutan na siyang mag-asikaso upang mailipat ang pasyente sa ibang pasilidad na tatanggap dito.

“Sorry talaga to remind everybody of this. I know how difficult the situation is and I sympathize with our hospitals but the care of patients takes precedence over all our other difficulties,” saad ni Cabral.

“May I also suggest that you remove the notices that you may have put at the entrances of your ERs saying that the hospital is no longer accepting COVID patients or words to that effect. It is a shade illegal,” dagdag niya.

Kinalampag niya ang Department of Health upang umaksiyon sa sitwasyon.

“Please hurry up and do something about the situation. It is your bounden duty and no one else’s,” wika ni Cabral.

I have had too many patients call me for help. Some of them have died unnecessarily. I am posting this. Sincerely sorry…

Posted by Bien Cabral on Sunday, April 4, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?