269

Mar 21, 2020 @ 10:56
By

Pagtanggap ng sahod ng mga kontraktuwal, job order worker aprub sa Palasyo

Kinatigan ng Malacañang ang hakbang ng Department of Budget and Management (DBM) at Commission in Audit (COA) na bayaran pa rin ang mga kawani ng gobyerno na nasa ilalim ng contract of service (COS) at job order (JO) kahit hindi pumasok dahil sa pinatutupad na enhanced community quarantine.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na magandang aksiyon ang ginawa ng COA at DBM dahil natanggal ang agam-agam ng mga kawani ng gobyerno sa prinsipyong “no work, no pay.”

“We welcome the timely issuance of joint circular no. 1, series of 2020 by the Department of Budget and the Commission on Audit, that COS and JO workers in the government who would not be able to work by reason of the community quarantine will still receive their corresponding salaries or wages,” ani Panelo.

Ang hakbang ng nabanggit na mga ahensiya ay makakatulong sa posibleng epekto ng COVID-19 lockdown sa mga ordinaryong manggagawa ng gobyerno at mababawasan ang alalahanin ng mga ito para sa kanilang pamilya.

Hinikayat ni Panelo ang iba pang local government unit na tularan ang guidelines sa joint circular para sa kapakanan ng mga lokal na manggagawa.

Sana aniya ay tularan din ito ng pribadong sektor para sa kanilang mga empleyado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?